TINGNAN: Pagdalaw ng Imahen ng Bunying Sto. Niño de Tondo sa Lungsod ng Pasig
July 31, 2023
Malugod na sinalubong ng mga deboto at ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Immaculada Conception ang Imahen ng Bunying Sto. Niño de Tondo sa Kanyang pagdalaw sa Lungsod ng Pasig noong Sabado, July 29, 2023.
Nag-alay ng panalangin at awitin ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan bilang pagbibigay pugay sa Kanyang pagdating. Matapos nito, dinala ang Imahen ng Bunying Sto. Niño de Tondo sa Immaculate Conception Cathedral para sa public veneration at misang parangal na sinundan naman ng prusisyon bago ibalik ang imahen sa Kanyang orihinal na tahanan sa Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo.