TINGNAN: Pagbisita sa Ausmolo Compound, Barangay Buting

April 30, 2025



TINGNAN: Pagbisita sa Ausmolo Compound, Barangay Buting

Kasama ang Punong Barangay ng Buting, binisita ni Mayor Vico Sotto ang Ausmolo Compound ngayong araw, April 30, 2025 para i-check ang mga naging pinsala at alamin din ang kalagayan ng mga naapektuhan ng sunog sa nasabing area.

Noong Lunes ng gabi, April 28, 2025 ay naapektuhan ng sunog ang tinatayang nasa 22 pamilya sa Ausmolo Compound. Sa pangunguna ng Pamahalaang Barangay ng Buting ay agad na nakapag-set up ng evacuation center kung saan pansamantalang nananatili ang ilan sa mga pamilyang nasunugan. 

Agaran ding nakapag-pamahagi ng sleeping at hygiene kits ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangangasiwa ng Pasig City DRRMO noong Lunes. Kahapon, araw ng Martes, ay nakapagpamahagi na rin ng food and non-food (kitchenwares) items sa mga naapektuhan ng sunog. Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng validation sa mga nasunugan, na pinagtulungan ng City Social Welfare and Development Office at Pasig Urban Settlements Office.