TINGNAN: PAGBIBIGAY NG FIRE SAFETY TIPS MULA SA BUREAU OF FIRE PROTECTION
March 12, 2024
Bilang parte pa rin ng selebrasyon ng 2024 Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso, nagkaroon ng maikling programa na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay ng lingguhang pagtataas na watawat kahapon, March 11, 2024.
Layon ng programa at selebrasyon ng Fire Prevention Month na palawigin pa ang kaalaman ng mga PasigueƱo sa pag-iwas sa sunog.
Ilan sa tips na ibinigay ng BFP-Pasig para sa prevention ang ang: (1) pag-iwas sa pag-ooverload ng mga extension; (2) ugaliing magpatingin ng electrical system sa lisensyadong electrician kung kinakailangan; (3) kung aalis ng tahanan, huwag kalimutang bunutin ang mga nakasaksak na appliances; (4) kung depektibo na ang isang gamit o saksakan, huwag na itong gamitin.
Nagkaroon din ng demonstration sa wastong paggamit ng fire extinguisher, at para mas madaling maalala, itinuro nila ang acronym na PASS:
Pull the pin;
Aim to the base of the fire;
Squeeze the level; at
Sweep from side to side.
Sinundan ito ng demonstration ng tamang pagpatay ng kitchen fire: presence of mind ang kailangan. Huwag buhusan ng tubig ang sunog dahil lalo itong liliyab, sa halip ay takpan ang niluluto na lumiliyab at patayin ang gasul.
Bukod sa mga fire safety at prevention tips ay nagpakitang gilas din ang mga bumbero mula sa hanay ng BFP-Pasig tampok si Bero Bumbero para sa isang dance number at nagbigay din ng mensahe si FSupt. Christopher C. Angot tungkol sa ilan sa aktibidad na mangyayari pa ngayong Fire Prevention Month sa pagtutulungan ng BFP-Pasig at Disaster Risk Reduction and Management Office.
Pinapaalalahanan din ang lahat na kung may emergencies, huwag mag-atubiling tumawag sa Emergency Hotline ng Pasig na 8643- 0000.
Mapapanuod ang mga mensahe at demonstration ng fire safety and prevention tips sa link na ito: