TINGNAN: PADYAK NG PAG-ASA 2023
July 17, 2023
Tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan ay bumuhos din ang suporta ng nasa 1,350 bike enthusiasts sa naganap na Padyak ng Pag-asa kahapon, July 16, 2023, kaugnay pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig.
Nagtipon-tipon sa Pasig City Hall Quadrangle ang mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay at bike organizations sa Lungsod ng Pasig. Ito ang nagsilbing starting point ng bikers na sabay-sabay pumadyak na hindi alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan upang ikutin ang 16 kilometrong loop sa lungsod.
Layunin ng Padyak ng Pag-asa na i-encourage ang mga Pasigueño, lalo na ang bike enthusiasts na patuloy na pangalagaan ang kanilang mga kalusugan sa pamamagitan ng pagiging aktibo at paggawa ng physical activities tulad ng pagbibisikleta.
Pagbalik ng bikers sa Pasig City Hall Quadrangle matapos ang ilang oras na pagpadyak, nagkaroon ng raffle draw kung saan ipinamahagi ang mga sumusunod: 450th Araw ng Pasig tote bags na may lamang 450th Araw ng Pasig tumblers, payong, water tumblers, at bike helmets.
Ang Padyak ng Pag-asa 2023 ay naging matagumpay at posible sa pangunguna ng Community Relations and Information Office (CRIO).
Hindi nakasama sa pagpadyak? Huwag mag-alala dahil ngayon pa lamang ay pinaplano na ng CRIO ang susunod na malakihang bike event para sa mga Pasigueños!