TINGNAN: OPENING NG PASIG CITY SPORTS LEAGUE 2023

August 3, 2023








Hindi naawat ng malakas na ulan ang Opening Ceremony para sa Pasig City Sports League 2023 na ginanap noong Sabado, July 29, 2023 sa Pasig City Sports Center.

Nilahukan ang nasabing Opening Ceremony ng mga representate ng men's at women's volleyball, at men's volleyball teams mula sa 30 barangay sa Pasig sa pangunguna ng kanilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairpersons. 

Naghudyat ng pagsisimula ng Pasig City Sports League 2023 ang pagsisindi ng sulo na karaniwang simbolo ng pagbubukas o umpisa ng sports events. Dinaluhan din ang Opening Ceremony nina Mayor Vico Sotto at mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod.

Ang Pasig City Sports League 2023 ay parte pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig at handog pa rin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay ng month-long celebration ng Linggo ng Kabataan ngayong taon. 

Naging posible ang Pasig City Sports League 2023 sa pangunguna ng Local Youth Development Office, sa pakikipagtulungan sa Sangguniang Kabataan Federation. 

#PanahonNgPasigue├▒o