TINGNAN: ON THE SPOT PAROL MAKING CONTEST NA NILAHUKAN NG MGA BARANGAY NG PASIG
November 11, 2022
TINGNAN: ON THE SPOT PAROL MAKING CONTEST NA NILAHUKAN NG MGA BARANGAY NG PASIG
Lumahok ang 25 barangays sa Pasig sa isang On the Spot Parol Making Contest na ginanap noong November 3, 2022 sa Pasig Sports Center (para sa mga barangay mula sa District 1) at Kaalinsabay Covered Court (para naman sa mga barangay sa District 2).
Ang mga parol ay kailangang: gawa sa at least 70% na locally sourced and recycled materials; may mga ilaw; two (2) feet ang circumference; at matibay (may kakayanang makatagal sa anumang lagay ng panahon). Pinayagan ang mga barangay na makapagdala ng pre-assembled na bare frame o stand ngunit ang parol mismo ay required na gawin onsite noong November 3, 2022.
Kinabukasan, November 4, 2022 ay ginanap ang judging ng mga parol sa pangunguna ng mga sumusunod na opisina:
Department of the Interior and Local Government - Pasig Field Office City Director Visitacion Martinez, CESO V
Pasig Arts Club Representative Mr. Jun Montifar
Office of the Mayor Executive Assistant IV Ms. Maria Lourdes Gonzales
Cultural Affairs and Tourism Office OIC Mr. Christian Allen Echeche
City Environment and Natural Resources Office OIC Mr. Allendri Angeles
Kinatawan mula sa Opisina ni Councilor Ma. Luisa de Leon Atty Marilou Martin
Gamit ang sumusunod ng criteria:
Compliance with Parol Specifications - 25%
Use of Indigenous and Recyclable Material - 25%
Craftsmanship - 25%
Creativity - 25%
TOTAL - 100%
tinanghal na nanalo sa On the Spot Parol Making ang mga sumusunod na barangay:
4th: Bagong Katipunan - 93.31%
3rd: Palatiw - 93.74%
2nd: Sta Rosa - 93.87%
1st: San Jose - 96.33%
Ang On the Spot Parol Making Contest ay isa lamang parte ng Christmas Decor Competition para sa mga barangay dahil mayroon pang ikalawang parte ito: ang Christmas Village Competition. Gaganapin ang judging para sa Christmas Villages sa December 16-17, 2022. Abangan ang pagpo-post ng photos ng Christmas Villages mula sa barangay sa Pasig City Public Information Office Facebook Page.