TINGNAN: Modelling a Gender-Responsive Tuberculosis (TB) Program in the Community: Validation of Gender Responsiveness in TB Prevention and Management - The Project Conference

March 30, 2023



Tuwing buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang National Women's Month at tuwing Marso 24 naman ay ipinagdiriwang ang World TB Day -- kaya naman noong Marso 23, bilang parte ng National Women's Month at paghahanda para sa World TB Day ay isinagawa ang Conference para sa Modelling a Gender-Responsive Tuberculosis (TB) Program in the Community: Validation of Gender Responsiveness in TB Prevention and Management Project sa Tanghalang Pasigueño.


Layunin ng proyekto na makapag-establish ng isang modelo ng programa na nakatutok sa pagkakaroon ng gender-responsive na TB prevention at management sa mga komunidad. Nagsilbing pilot barangays sa Pasig ang Manggahan at Santolan. 


Isa sa mga naging component ng proyekto ang pagkakaroon ng poster making contest para sa high school students at mga komunidad sa dalawang pilot barangays sa ilalim ng temang: 

“Ang paglingap sa taong may TB ay pagtulong sa

ating lahat para sa pag-iwas at pagsugpo sa TB.” 


Para matukoy ang mga nanalo ay nagsilbing panel of judges sina Councilor Corie Raymundo, Councilor Quin Cruz, Councilor Eric Gonzales, Ms. Emmeline Versoza, Mr. Jose Rey Espina, at Mr. Christian Echeche.


Tinanghal na mga nanalo para sa poster making contest sina:

High School Catergory:


3rd Place: Haydee Eliza Beth R. Ugay - Manggahan High School

2nd Place: Ivan Dominic A. Baylon - Santolan High School

1st Place (2 winners): Athena Morigan Solayao

- Manggahan High School at Liese-Lian L. Villegas - Manggahan High School


Community Category: 

3rd Place: Marvin Caubalejo Tugbong - Santolan Community

2nd Place: Jasmynn Gaea T. Arenas - Manggahan Community

1st Place: Larry Q. Gudoy - Manggahan Community


Ang nasabing proyekto ay ipinapatupad sa Pasig ng  Women's Health Care Foundation, Inc., sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Baranggay Manggahan, at Barangay Santolan, na sinuportahan ng Department of Science and Technology - Philippine Council for Health Research and Development. Matatandaang pumasok sa isang Memorandum of Understanding ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa

Women's Health Care Foundation, Inc. noong December 2022 para sa proyektong ito.