TINGNAN: Memorandum of Understanding Signing para sa Implementasyon ng OPPORTUNITY 2.0 sa Pasig City

March 18, 2023



Opisyal na pumasok sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig at mga miyembro ng Pasig City Youth Development Alliance (PCYDA) para mas mapagtibay ang implementasyon ng Opportunity 2.0 sa Lungsod ng Pasig kahapon, March 17, 2023. 


Inilunsad ang Opportunity 2.0 sa Pasig noong September 15, 2022 na naglalayong makapagbigay ng oportunidad sa vulnerable out-of-school youth para sila ay makapag-aral, magkaroon ng trabaho, o kakayahang makapaghanapbuhay. 


Binabalangkas ng MOU ang mga dapat gampanan ng iba't ibang mga tanggapan ng nasyunal at lokal na pamahalaan at mga organisasyon (non-government organizations, pribadong sektor, mga institusyong pang-edukasyon, youth organizations, at marami pang iba) sa Pasig para sa implementasyon ng Oppurtunity 2.0 Program sa Lungsod. Isa sa pinakaimportanteng feature nito ang paggamit ng whole-of-city approach sa pagtugon sa mga pangangailangan ng OSY mula sa publiko at pribadong sector, sa pamamagitan ng pagkakatatag ng PCYDA.


Naging posible ang Opportunity 2.0 sa suporta ng  United States Agency for International Development (USAID), at pakikipagtulungan nito sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Department of Education - Schools Division Office of Pasig, at Technical Education and Skills Development Authority- PaMaMaRiSan.