
TINGNAN: Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng City Government of Pasig at Seaoil Philippines, Inc.
October 13, 2022
TINGNAN: Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng City Government of Pasig at Seaoil Philippines, Inc.
Isang MOA Signing Ceremony ang ginanap kahapon, October 12, 2022 sa Pamantasang Lungsod ng Pasig kaugnay ng pagpasok sa isang kasunduan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Seaoil Philippines, Inc. para sa ANGAT PANGARAP Project.
Sa ilalim ng temang Angat Pangarap: Fueling PLPasig Community to Think Big and Dream Big, magbibigay ng PHP 1,000,000.00 na incentive sa sinumang estudyante ng Pamantasang Lungsod ng Pasig na makaka-top sa board examination. Sa pamamagitan nito ay mae-engganyo na magsumikap ang mga estudyante at buong PLP community na mas pag-igihan pa ang pag-aaral at paghahanda para sa board examinations.
Dinaluhan ang MOA Signing Ceremony nina Seaoil Philippines, Inc. President for Retail Business and the Chief Finance Officer Mr. Mark Anthony Yu, Pasig City Mayor Vico Sotto, 11th Pasig City Council, PLP OIC Dr. Reggie Maningas, PLP Board of Regent and Anthropologist Mr. Nestor Castro, at PLP students.