TINGNAN: LUNGSOD NG PASIG, GINAWARANG BEYOND COMPLIANT SA 23RD GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE
December 12, 2023
Isa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa 256 na mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na nagawaran ng BEYOND COMPLIANT sa Gawad KALASAG Seal of Excellence - Local Disaster Risk Reduction and Management and Offices (LDRRMOs) Category sa ginanap na 23rd Gawad KALASAG Awarding Ceremony kahapon, December 11, 2023. Tinanggap ng Pasig City DRRMO (Disaster Risk Reduction and Management Office) ang award na ito para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng hepe nito na si Mr. Bryant Wong.
Nakakuha ng rating na 2.69 ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa assessment ngayong 2023. Ginagawaran ng "Beyond Compliant" ang mga lokal na pamahalaan na nahigitan pa ang standards sa pagtatatag at pagsiguro na functional ang mga LDRRMO. Matatandaang noong 2022, nagawaran naman ng FULLY COMPLIANT ang lungsod, ilang points lamang para makuha ang Beyond Compliant o ang pinakamataas na antas ng Gawad KALASAG.
Ang Gawad KALASAG o KAlamidad at sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan ay ang taunang "Search for Excellence in Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance" na pinangangasiwaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Ngayong 2023, naging batayan ng Gawad KALASAG ang principles ng stakeholders' participation, transparency, innovativeness, partnership, self-reliance, at spirit of volunteerism.