TINGNAN: Lungsod ng Pasig, ginawaran ng Regional Director’s Special Award ng World Health Organization
September 27, 2024
TINGNAN: Lungsod ng Pasig, ginawaran ng Regional Director’s Special Award ng World Health Organization
Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang Lungsod ng Pasig sa kakakatapos na 10th Global Conference of the Alliance for Healthy Cities sa Seoul, Korea nitong September 24-28, 2024. Ito ay dinaluhan ng nasa 1,000 katao, na binubuo ng mga opisyal, mga kinatawan, at health experts mula sa 100 international organizations at bansa.
Highlight ng naging Conference ang pagkilala sa mga lungsod at inisyatibo ng mga ito sa pagsusulong ng kalusugan at well being. Iginawad sa Lungsod ng Pasig ang WHO Regional Director’s Special Award, isang natatanging parangal para sa lungsod na nagpatutupad ng mga mahusay na programa at serbisyong pangkalusugan at nagsisilbing ehemplo ng mahusay na participatory governance.
Kinilala rin ang Lungsod ng Pasig bilang isa mga unang lungsod sa bansa na nakiisa sa Urban Governance for Health and Well-being initiative, isang programa na sumusuporta sa mga lokal na aksyon na nagtataguyod ng mahusay na pamamahala para sa kalusugan sa pamamagitan ng multi-sectoral collaboration. Dumalo ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig mula City Health Department na sina Health Promotion Programme Manager Dr. Mariane Loe Bringuelo at Supervising Administrative Officer Dave Basaca, sa isinagawang Conference sa Dongdaemun Design Plaza, Seoul, South Korea.
Bukod sa pagtanggap ng nasabing award, nakilahok din ang delegasyon ng Lungsod ng Pasig sa dalawang panel discussions upang ibahagi ang magagandang programa na nasimulan ng lokal na pamahalaan sa larangan ng multisectoral collaboration, maging ang learning and development initiatives na isinasagawa sa lungsod, upang makamit ang mga layuning pangkalusugan.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pagpapalawig pa ng mga ito para tunay na maisulong ang isang malusog na siyudad alinsunod sa hangarin ng Alliance for Healthy Cities.
Ang tagumpay ng Lungsod ng Pasig ay tagumpay ng bawat Pasigueno!
Para sa mga detalye, basahin ang article na ito: https://tinyurl.com/yracd2hx