TINGNAN: LAUNCHING CEREMONY PARA SA SELEBRASYON NG NATIONAL LUNG MONTH SA LUNGSOD NG PASIG

August 12, 2024



Bilang panimula sa pagdiriwang ng National Lung Month ngayong buwan ng Agosto, isinagawa ang programang "Hingang Ginhawa kapag Healthy Lungs ang buong Pamilya" sa Brgy. Rosario noong Huwebes, August 8, 2024.
Parte sa ginawang programa ang health lectures tungkol sa pangangalaga sa baga, pag-iwas sa paninigarilyo at pagve-vape, at paggamot ng sakit ng tuberculosis.
Nagbigay rin ng mga testimonial ang mga pasyente na tumatanggap ng libreng gamot mula sa Rosario Super Health Center ukol sa kanilang mga naging karanasan habang nagpapagamot.
Upang paigtingin ang ating kampanya laban sa tuberculosis, nagsagawa rin ng active case finding sa pamamagitan ng libreng chest x-ray para sa lahat ng lumahok sa programa.
Ang aktibidad na ito ay naging posible sa pagtutulungan ng City Health Department at Culion Foundation, Inc.
Patuloy nating alagaan ang ating baga sa pamamagitan ng pangangalaga sa sarili, kapwa, at kapaligiran. Sa ating pagtutulungan, makakamit ang isang Smoke-Free, TB-Free, at Healthy Pasig City! 💙
I-check ang schedule ng libreng chest x-ray na bahagi ng TB Active Case Finding Caravan sa link na ito: https://bit.ly/3LXRZcq