TINGNAN: Lagay ng ilang evacuation sites sa Pasig ngayong umaga
September 26, 2022
TINGNAN: Lagay ng ilang evacuation sites sa Pasig ngayong umaga
Kasabay ng pagganda ng lagay ng panahon, nagsimula nang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan ngayong umaga ang ilan sa mga nag-preemptive evacuation kagabi dahil sa Super Typhoon #KardingPH.
Bukod sa hot meals at relief goods (food and non-food) na ipinamahagi sa evacuees, pumunta rin ang mga kinatawan ng ating City Health Department, CESU, at Barangay Health Centers para magsagawa ng check ups, antigen test para sa symptomatic evacuees, at mag-distribute ng mga gamot sa evacuees bago sila tuluyang bumalik sa kanilang mga tahanan. Bukod pa rito, nagsimula na ring maglibot ang ating Sanitation WASH Team sa mga nabakante nang evacuation sites.
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa lahat ng Pasigueños na nakiisa at sumunod sa mga isinagawang hakbang -- evacuation at response operations -- para sa Bagyong #KardingPH, lalo na sa ating disaster risk reduction and management frontliners at mga volunteers! Kasama kayo sa dahilan kung bakit patuloy na umaagos ang pag-asa sa Pasig!
Kaugnay ng pagkaka-lift ng TCWS sa Metro Manila at pagkakababa ng Red Alert level to Blue Alert Level, na-demobilize na rin ang Incident Management Team sa pangunguna ng Pasig City DRRMO.
#pasighanda2022