TINGNAN: Kick Off Ceremony ng Drug Abuse Prevention & Control Week Celebration

November 14, 2022

TINGNAN: Kick Off Ceremony ng Drug Abuse Prevention & Control Week Celebration
Kasabay ng lingguhang Flag Raising Ceremony kaninang umaga, November 14, 2022 ay opisyal nang sinimulan ang selebrasyon ng Drug Abuse Prevention & Control Week sa pangunguna ng Pasig City Anti-Drug Abuse Office.
Kaugnay ng temang "Addressing Drug Challenges in Health and Humanitarian Crises #CareInCrises", sinimulan ang kick off activity sa pamamagitan ng paggawad ng Drug-Cleared Barangay Award sa Barangay Sagad dahil sa kanilang matagumpay na pag-comply sa requirements ng Philippine Drug Enforcement Agency alinsunod sa iisang adhikain kontra sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa pamumuno ni Punong Barangay Marvin Benito, malugod na tinanggap ng Brgy Sagad ang monetary award na nagkakahalaga ng PHP 500,000.00 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na maaaring gamitin para sa patuloy na pagsusulong ng mga programa, proyekto, at aktibidad kontra sa ilegal na droga.
Sinundan ang awarding ceremony ng isang dance number mula sa Cool Kids Crew Junior at ceremonial covenant destroying of effigy na sumisimbolo ng patuloy na pagsugpo at paglaban kontra droga ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Parte rin ng kick off activity ang pagpapalipad ng mga kalapati na simbolo ng kapayapaan at isang maayos na pamamahala sa ating lungsod.