TINGNAN: KICK OFF CEREMONY NG 2024 NATIONAL WOMEN'S MONTH CELEBRATION SA LUNGSOD NG PASIG

March 5, 2024



Para opisyal na simulan ang selebrasyon ng 2024 National Women's Month sa Pasig, nagdaos ng series ng activities ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig kahapon, March 4, 2024, sa Pasig City Hall Quadrangle, pagkatapos ng flag raising ceremony.
Nagkaroon ng ribbon-cutting na naghudyat ng pagbubukas ng Women's Fair: Food, Health, and Livelihood Services para sa Makabagong Pasigueña. Tampok dito ang libreng breast and cervical cancer screening, HIV screening, at family planning; libreng gupit at masahe (50 first participants); at maging mga produkto/serbisyo ng nasa halos 30 organizations.
Ang nasa halos 30 stalls na ito ay nasa Pasig City Hall Quadrangle hanggang Biyernes, March 8, 2024.
Pagkatapos ng pagbubukas ng Women's Fair ay nagkaroon ng Dance Fitness Exercise para kay Juana na nilahukan ng nasa 287 participants. Nagsilbing guide sa dance fitness participants ang Group Fitness Instructors ng Community Relations and Information Office. Simultaneous ang pagsasagawa ng Dance Fitness Exercise sa Pasig City Hall Quadrangle at sa 29 barangays pa ng Pasig na lumahok sa nasabing activity.
Ang mga aktibidad na ito ay naging posible sa pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig tulad ng Gender and Development Office, City Health Department, Pasig City Livelihood Center, Opisina ni Konsehala Corie Raymundo, Community Relations and Information Office, at maging ng Pasig City Local Council of Women.
Para sa iba pang updates tungkol sa selebrasyon ng 2024 National Women's Month, i-check ang Facebook Page ng Pasig City Gender And Development Office.