TINGNAN: Kick Off Ceremony ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women

November 28, 2022

Kasabay ng lingguhang Flag Raising Ceremony kaninang umaga, November 28, 2022 ay opisyal nang sinimulan ang observance ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa pangunguna ng Gender and Development Office, katuwang ang Philippine Commission on Women at Pasig City Local Council of Women.

Sa ilalim ng temang "UNiTEd for a VAW-FREE Philippines", sinimulan ang kick off activity sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga saloobin ng mga kinatawan mula sa iba't ibang women’s at children’s organizations at ang kanilang panata para wakasan ang karahasan sa kababaihan at lahat ng kasarian. Kasunod nito ay isa-isa rin silang naglagay ng mga kamay sa larawan na Mutya ng Pasig bilang simbolo ng pagsuporta sa adhikain ng lungsod na masugpo ang VAW. 

Layunin ng kampanyang ito na mabigyang kaalaman ang lahat patungkol sa tungkulin ng bawat Pasigueño para tapusin ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan, bata, at lahat ng uri ng kasarian at makagawa ng iba't ibang programa tungo sa adhikain na isang matiwasay at walang karahasang Lungsod ng Pasig. 

#VAWfreePH