TINGNAN: Kick Off Ceremony, Motorcade, at Children's Caravan

November 7, 2022

TINGNAN: Kick Off Ceremony, Motorcade, at Children's Caravan

kaugnay ng 2022 National Children's Month Celebration

Kaninang umaga, November 7, 2022 ay opisyal na inilunsad ang selebrasyon ng National Children's Month ngayong buwan ng Nobyembre. Ang kick-off activity ay sinimulan bilang parte ng lingguhang Flag Raising Ceremony kung saan kabilang sa mga ni-recite ang Panatang Makabata at nagpakitang gilas ang mga estudyante ng Early Childhood Care and Development sa pamamagitan ng isang dance number sa saliw ng "Bawat Bata."

Pagkatapos ng Flag Ceremony ay nagkaroon din ng Kick Off Motorcade na nilahukan ng 26 barangays ng Pasig, PNP-Women and Children Protection Deask, at PCGH - Women and Protection Unit. Layunin nitong ipaalam sa publiko ang month-long celebration ng National Children's Month. Nagsimula ang Kick Off Motorcade sa Pasig City Hall Quadrangle at naglibot sa iba't ibang areas sa District 1 at District 2 bago nagtapos sa Bahay Aruga Bldg.

Sinundan pa ang Kick Off Motorcade ng isang Children's Caravan na ginanap sa Sto. Tomas Covered Court, kung saan 111 bata mula sa Sto Tomas, Kapasigan, Sta Cruz, at San Nicolas ang nakasali. Layunin naman ng Children's Caravan na malaman ng participants ang kanilang mga karapatan bilang mga bata. Bukod sa talk ukol sa Children's Rights at Arts and Craft session, sa pakikipagtulungan sa City Health Department ay nagkaroon din ng talk ukol sa Nutrition at mayroon ding Medical Check-up. Parte rin ng naging programa ang isang open forum kung saan malayang nakapagtanong ang mga batang participants ukol sa mga natalakay na paksa.

Alamin ang iba pang activities sa Pasig ngayong National Children's Month na pinangungunahan ng Pasig City Office on Social Welfare and Development mula sa link na ito: https://bit.ly/PC_NCM2022

#BuwanNgMgaBata #2022ChildrensMonth