TINGNAN: KALAYAAN JOB FAIR 2024
June 13, 2024
Kaugnay ng paggunita ng ika-126 Araw ng Kalayaan, matagumpay na naisagawa ang Kalayaan Job Fair 2024 na ginanap kahapon, June 12, 2024, sa SM City East Ortigas.
Nasa 802 jobseekers ang naglakas loob na sumubok maghanap ng trabaho. Sa bilang ng mga aplikanteng ito, 235 ang hired-on-the-spot. Kaya naman mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, lubos ang aming pasasalamat sa mga aplikante, kumpanya, at iba’t ibang sangay ng nasyonal na pamahalaan na lumahok at siyang naging dahilan ng matagumpay na pagsasagawa ng Kalayaan Job Fair 2024.
Kita-kits tayong muli sa mga susunod pang job fair, Pasigueños!
—-
Bukod sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, isinagawa rin ang paggunita ng 2024 World Day Against Child Labor na may temang “Bawat Bata, Malaya: Mithiin ng Nagkakaisang Bansa kasabay ng Kalayaan Job Fair.
Sa ilalim ng “Project Angel Tree” na isa sa components ng Child Labor Prevention and Elimination Program ng Department of Labor and Employment (DOLE), nabiyayaan ang 50 beneficiaries o mga Batang Malaya ng groceries, school supplies, laruan, at iba pa mula sa mga sponsor gaya ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., Universal Robina Corporation, The Medical City, SM City East Ortigas, at Sangguniang Panlungsod ng Pasig na mga miyembro ng Tripartite Industrial Peace Council (TIPC). Ang TIPC ay itinatag upang maging maayos ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, mga employer, at mga employee sa Lungsod ng Pasig.
Bukod pa riyan, mayroon ding 31 magulang ng mga Batang Malaya ang naging benepisyaryo ng livelihood assistance, kung saan sila ay nakatanggap ng food carts na maaari nilang gamitin upang makapag-umpisa ng munting negosyo.
Ang mga aktibidad na ito ay naging posible sa pangunguna ng DOLE at pakikipagtulungan sa Pasig City Public Employment Service Office.