TINGNAN: Interagency Meeting para sa implementasyon ng full face-to-face classes sa Nobyembre

October 24, 2022

TINGNAN: Interagency Meeting para sa implementasyon ng full face-to-face classes sa Nobyembre

Sa pangunguna ng Department of Education Schools Division Office - Pasig, ginanap ang isang interagency meeting ngayong hapon, October 24, 2022 na dinaluhan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, school principals, at mga kinatawan ng iba't ibang ahensya, departamento, at barangay officials mula sa Lungsod ng Pasig. Layunin ng pagdaraos ng isang interagency meeting na mapag-usapan ang mga paghahandang kailangang gawin para sa nalalapit na implementasyon ng full face-to-face classes sa November 2, 2022. 

Parte ng interagency meeting ang isang breakout session kung saan hinati ang participants sa sampung clusters para pag-usapan at mai-raise ang kanilang concerns na dapat matugunan para sa maayos at ligtas na pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral. Kada isang cluster ay binubuo ng school principals, barangay officials ng barangay na sumasakop sa kanilang paaralan, at kinatawan mula sa Schools Division Office - Pasig.

Inaasahan na sa pagpupulong na ito ay per cluster, makakabuo ng mga plano upang mabigyang solusyon ang bawat concern at masiguro na magiging handa ang lahat sa darating na pasukan.