TINGNAN: Inauguration of Bitukang Manok Linear Park

January 17, 2023


Kaninang hapon, January 17, 2023, ay opisyal na pinasinayaan ang newly-renovated Parian Creek o mas kilala bilang Bitukang Manok Linear Park sa Dr. Sixto Antonio Ave., Barangay Kapasigan. 

Ang nasabing inagurasyon ay dinaluhan nina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Congressman Roman Romulo, DILG Pasig Field Office Director Visitacion Martinez, at mga konsehal, kasama rin ang ilan sa mga Punong Barangay sa lungsod.

Ito ay parte ng patuloy na pagsasaayos at pegresolba ng Pamahaalang Lungsod ng Pasig sa problema ng maruming tubig. Kaakibat din ng renobasyon na masiguro na napapanatiling malinis ang mga estero at patuloy na mapangalagaan ang iba pang daanan ng tubig na nakapalibot sa ating lungsod.