TINGNAN: INAGURASYON NG MGA BAGO AT RENOVATED NA PASILIDAD SA PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

April 24, 2024



Opisyal nang pinasinayaan ang mga bago at renovated na pasilidad sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) ngayong araw, April 24, 2024.
Bago opisyal na nagsimla ang programa ay nagkaroon ng ribbon-cutting at blessing ng ilan sa mga bagong gawa at renovated na pasiliad ng PLP: lobby, elevators, auditorium, at gymnasium.
Layon ng infrastructure works na ito sa PLP na makapagbigay nang maayos na learning environment para sa mga estudyante na makakatulong din sa pagsiguro na maitaas pa ang antas ng kalidad ng edukasyon na ipinagkakaloob nito sa mga kabataang PasigueƱo.
Pagkatapos ng mga ito ay saka nagkaroon ng programa kung saan nagbigay ng kanilang mga mensahe sina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr., at PLP President Dr. Glicerio Maningas.
Sa kanilang mga mensahe ay ipinahayag ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang patuloy na pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon ng mga mag-aaral at kabataan sa ating lungsod. Iginiit ni Mayor Vico ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sense of ownership ng stakeholders ng PLP sa mga pasilidad na ito at ipinaalala rin niya na dapat ay pangalagaan din nila ang mga ito.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang community singing tampok ang mga piling estudyante mula sa PLP.
I-check ang post ni Mayor Vico Sotto tungkol sa inauguration ng iba't-ibang infrastructure works na ginawa sa PLP sa link na ito: https://bit.ly/49TzTBP