TINGNAN: INAGURASYON NG CANIOGAN HEALTH CENTER
July 11, 2023
Matapos ang ilang taong pananatili sa Barangay Hall ng Barangay Caniogan ay nakalipat na sa bagong gawang building ang Caniogan Health Center na matatagpuan din sa Kalinangan St., Brgy. Caniogan! Opisyal na pinasinayaan ang Caniogan Health Center noong Biyernes, July 7, 2023.
Ang Caniogan Health Center ang unang health center na naitayo sa lungsod na alinsunod sa standards ng Department of Health para sa primary health facilities na nakasaad sa DOH Administrative Order No. 2020-0047 na in-issue noong September 30, 2020; kaya naman asahan ang mas pinaigting na health services mula rito!
Bahagi pa rin ang naging inagurasyon ng Caniogan Health Center ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig.
Samantala, kasalukuyan ding nag-iikot ang team mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa validation upang masiguro na magiging compliant ang lahat ng health centers sa ating lungsod sa nasabing issuance ng DOH.
Ang pag-aayos ng ating mga health center ay alinsunod sa layunin ng administrasyon na patuloy na pagbutihin pa ang pagbibigay ng health services para sa PasigueƱos, lalo na ang primary health services, sa ilalim ng thrust na ito ng "Kalusugang Pangkalahatan."