TINGNAN: INAGURASYON AT BLESSING NG DALAWANG GUSALI SA PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

January 11, 2024


Pormal nang pinasinayaan ang dalawang gusali sa Pasig City General Hospital (PCGH) noong Martes, January 9, 2024.
Nauna ang inagurasyon ng 3-storey building na nagsisilbing Autoclave at Laundry Facility. Ang Autoclave ay isang makinarya na gumagamit ng steam (high temperature) at pressure para mapuksa ang mga bacteria, virus, fungi, spores (at iba pa) na gamit pang sterilize sa mga ospital katulad ng PCGH.
Sinundan naman ito ng inagurasyon ng bagong renovate na 4-storey Supply Building. Matatandaang nasunog ang parte ng 4th floor ng Supply Building noong May 2021. Sa kasalukuyan, ang 2nd at 4th floor ay nagsisilbing supply area, ang 1st floor ay Oncology at 3rd floor naman ay Hemodialysis area.
Ang mga pasilidad na ito ay makakatulong sa patuloy na pagpapabuti ng health/medical services ng isa sa city-owned hospitals sa Lungsod ng Pasig.