TINGNAN: HIMIG PASIGUEÑO 2022

December 14, 2022



Anim na koro mula sa iba't ibang barangay ng Pasig ang nagtunggali para sa titulo ng Grand Champion sa katatapos na Himig Pasigueño 2022 noong December 12-13, 2022.

Para matukoy ang magwawagi, nag-imbita ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng mga hurado sa katauhan nina: Dr. Fatima T. Yusingbo, Dr. Fe Alcantara Menciano, Dr. Norlyn Conde, Dr. Marita Aquino, at Mr. Alvin Manuguid.

Ginamit nila ang sumusunod na criteria sa paghusga ng mga kalahok sa kumpetisyon:  

• voice quality and musicality - 40%

• interpretation and technique - 40%

• stage deportment and audience impact - 20%

Nagkaroon din ng intermission numbers sa pagitan ng performances ng mga koro. Sa parehong araw, tumugtog ng mga pamaskong kanta ang Pasig City Band. Noong ikalawang araw naman, nag-perform si Ms. Hannah Ortiz, isa sa mga talents ng GMA 7 na kasalukuyang cast ng "Maria Clara at Ibarra", ng dalawang kanta. 

Tinanghal na nagwagi ang mga sumusunod na koro:

• 2nd Runner Up: Eusebio High School Rosario Chorale - PHP15,000.00

• 1st Runner Up: Rizal High School Choir - PHP25,000.00 

• GRAND WINNER: Sumilang Choir - PHP30,000.00

Samantala, nakatanggap naman ng PHP10,000.00 consolation prize ang tatlong natitira pang koro. 

Bukod sa plaque at cash prize, ang mga nanalong koro ay magpi-perform sa Christmas Carol at the Park na gaganapin mamayang gabi, December 14, 2022.