TINGNAN: GRAND DANCE FITNESS MARATHON SA PASIG
June 25, 2023
Higit 1500 indibidwal at nasa 67 zumba groups mula sa iba't ibang barangay at organisasyon sa Lungsod ng Pasig ang dumalo sa Grand Dance Fitness Marathon na ginanap kaninang umaga, June 25, 2023 sa Rizal High School Oval.
Suot ang kanilang makukulay at pangmalakasang zumba attires, nakisayaw ng halos dalawang oras na tuloy-tuloy ang zumba afficionados at dance fitness enthusiasts sa saliw ng iba't ibang fitness music bilang paraan upang mapangalagaan ang kanilang pisikal na kalusugan. Ang mga lumahok ay ginabayan ng mga kilalang zumba instructors sa ating lungsod.
Bukod sa nonstop na sayawan, highlight din ng nasabing programa ang awarding ceremony kung saan ilan sa mga ipinarangal ay ang mga sumusunod: Mr. and Ms. Body Beautiful, Fitness King and Queen, Best Group Delegate, at Best Dance Fitness Outfit.
Nabitin sa Grand Dance Fitness Marathon? Huwag mag-alala dahil simula sa susunod na buwan, bababa ang dance fitness marathons sa mga barangay tuwing Sabado o Linggo. Hintayin lamang ang anunsyo na manggagaling sa Community Relations and Information Office (CRIO) patungkol dito.