TINGNAN: General Assembly ng Persons With Disability

January 31, 2023



Nasa 226 na persons with disability ang lumahok sa naganap na General Assembly ngayong araw, January 31, 2023 sa Tanghalang Pasigueño. 


Layunin ng General Assembly na masiguro ang partisipasyon ng persons with disability sa recruitment ng magiging Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head.  


Alinsunod sa Republic Act 10070* na pinagtibay ng Implementing Rules and Regulations nito, Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular (MC) 2017-119, at DILG MC 2021-041, ang persons with disability na dumalo sa General Assembly ay lumahok sa isang botohan bilang bahagi ng proseso sa pagtatalaga ng susunod na tagapamuno ng PDAO.



Bago ang nominasyon ay nagkaroon ng orientasyon ukol sa RA 10070, kabilang ang diskusyon tungkol sa kwalipikasyon/eligibility na kailangan para sa PDAO Head at presentation ng mga kwalipikadong PDAO Head applicants (batay sa minimum qualification standards na itinakda ng Civil Service Commission). 


Mula sa mga kwalipikadong aplikante para sa pagiging PDAO Head at sa naging resulta ng botohan, natukoy ang top 3 applicants na siyang magpapatuloy at dadaan sa normal na competency-based recruitment process ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pangungunahan ng Human Resource Development Office. 


*Establishing an Institutional Mechanism to Ensure the Implementation of Programs and Services for Persons With Disabilities in every Province, City, and Municipality, Amending Republic Act No. 7277, Otherwise Known as the Magna Carta for Disabled Persons, As Amended, and for Other Purposes