TINGNAN: GENERAL ASSEMBLY NG PASIG CITY RENEWAL SCHOLARS PARA SA AY 2023-2024 (SESSIONS 1-4)
October 23, 2023
Nagtipon ang nasa halos 7,500 renewal scholars sa dalawang unang araw ng General Assembly na hinati sa tig-dalawang sessions kada araw noong Biyernes, October 20, 2023 at ngayong araw, October 23, 2023.
Noong Biyernes, nasa higit 1,100 ang renewal scholars mula sa elementary level ang sumailalim sa General Assembly at nasa 2,150 naman ang renewal scholars mula sa senior high school. Ngayong araw, nasa halos 4,300 naman na renewal scholars mula sa junior high school ang mga naging kalahok sa General Assembly.
Sa bawat General Assembly ay nagkaroon ng orientasyon patungkol sa Pasig City Scholarship Program, kabilang sa mga naging paksa ang responsbilidad bilang scholars (general guidelines) at mga matatanggap na incentives ng mga ito.
Tampok din sa bawat General Assembly ang mga educational at inspirational talks patungkol sa iba't ibang topics mula sa resource speakers, at maging mga mensahe mula sa mga konsehal ng 11th Sangguniang Panlungsod, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr. at Mayor Vico Sotto.
Matapos ng mga ito ay binigyang pagkakataon din ang scholars o representante ng mga ito (mga magulang, kapatid, o kaanak para sa mga di maka-attend) na makapagtanong sa parte ng Open Forum.
Ang pagsasagawa ng General Assembly at pangangasiwa ng Pasig City Scholarship Program ay pinangungunahan ng Pasig City Scholars Office na nasa ilalim ng Education Unit ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Magkakaroon pa ng mga General Assembly ngayong linggo para ma-cover pa ang natitirang Pasig City scholars.
#UmaagosAngPagasa