TINGNAN: GAWAD TAGA-ILOG 3.0 - Search for the Most Improved Estero in Metro Manila Awarding Ceremony
March 24, 2023
Nagkamit ng tatlong parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa katatapos na "Gawad Taga-Ilog 3.0: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila Awarding Ceremony na ginanap ngayong araw, March 24, 2023 sa Quezon City.
Tinanghal na Champion sa Solid Waste Management at Champion sa Informal Settler Families and Illegal Structures Management ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Samantala, nasungkit naman ng Pasig River, sa parteng Barangay Pineda ang 1st Runner-Up - Gawad Taga-Ilog Search for the Most Improved Estero.
Pinangunahan nina City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Solid Waste Management Office (SWMO) OIC Allendri B. Angeles at Brgy. Pineda Captain Frankie De Leon ang delegasyon ng Pasig City na tumanggap ng mga nasabing awards.
Ang Gawad Taga-Ilog ay taunang patimpalak ng Department of Environment and Natural Resources - National Capital Region na naghihikayat sa aktibong pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa paglilinis ng mga ilog at estero ng Metro Manila kaugnay ng Manila Bay Rehabilitation.