TINGNAN: GAWAD PARANGAL 2024 NG PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
March 14, 2024
Kung noong Opening Ceremony ng University Week ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) ay nabigyang spotlight ang angking galing at talento ng mga estudyante nito, kahapon, March 13, 2024, bida naman mga empleyado at guro ng nasabing pamantasan sa ginanap na Gawad Parangal 2024.
Tatlong award categories ang ipinamahagi sa Gawad Parangal 2024: Service Awards para sa mga empleyado na nag-render ng 5, 10, at 15 years na panunungkulan sa PLP; Outstanding Rating in Student Evaluation of Teacher's Award o mga miyembro ng faculty na nakatanggap ng "Outstanding Rating" mula sa evaluation ng mga estudyante sa kanilang pagtuturo noong 2nd semester ng AY 2022-2023 at 1st semester ng AY 2023-2024; at Student's Choice Award para sa full time at part time faculty members.
Sa kabuuan, 15 ang naging recipients ng Service Award (6 para sa 5 years; 5 para sa 10 years; at 4 para sa 15 years of service). Samantala, umabot naman sa 61 faculty members ang nagkamit ng Outstanding Rating in Student Evaluation of Teacher's Award.
Para naman sa Student's Choice Award, nagkaroon ng pagbobotohan ng mga estudyante mula sa hanay ng faculty members batay sa mga sumusunod na criteria: KNOWLEDGE (Course Mastery, Classroom Management, Teaching Methodology, Learning Process); SKILLS (Communicaton, Creativity, Collaborative, Critical Thinking); at ATTITUDE (Professionalism, Gender Sensitive, Growth Mindset, Compassionate). Sa award na ito, pitong (7) full-time faculty at pitong (7) part-time faculty members naman ang kinilala.
Sa kanilang mensahe para sa Gawad Parangal 2024, ipinaabot nina PLP President Glicerio Maningas, Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr., at Mayor Vico Sotto ang kanilang pagbati sa mga nakatanggap ng parangal. Sinabi nina Mayor Vico at Vice Mayor Dodot na sa bawat institusyon o organisasyon, pinakaimportane sa lahat, ang human resources. Ipinahayag nila ang kagandahan ng pagkakaroon ng Gawad Parangal para kilalanin at magbigay pugay sa mga empleyado na naglilingkod sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig.
Sa kanyang mensahe, inilahad ni Mayor Vico Sotto na sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, prayoridad ang reporma sa human resources dahil dito rin nakadepende ang magiging tagumpay ng mga programa na naglalayong paigtingin pa at pagandahin ang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga nasasakupan nito.
Ipinaabot ni Mayor Vico sa awardees, empleyado (teaching at non-teaching personnel) ng PLP ang pagpapasalamat, di lamang mula sa mga estudyante ng PLP, kundi maging para sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at lahat ng Pasigueño. Dahil ang bawat isa sa mga ito na naglilingkod sa Pamantasan ay nag-aambag sa paghubog sa susunod na henerasyon ng mga Pasigueño.
Aniya, "We thank you, not only for your loyalty but for all your contribution in making our Pamantasan what it is today. Kung ano ang na-achieve ng ating pamantsan — yung mga naging successful alumni, magagandang programa sa PLP — hindi yun dahil sa Mayor o mga pulitiko, kundi dahil sa inyo na nagtatrabaho at naglilingkod dito araw araw. Kaya maraming salamat at congratulations sa inyo."
—
Para sa iba pang updates tungkol sa selebrasyon ng University Week kaugnay ng 24th Founding Anniversary ng PLP, i-check ang kanilang Facebook Page: Pamantasan ng Lungsod ng Pasig.