TINGNAN: Fourth Quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa Lungsod ng Pasig
November 13, 2024
Kaisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bukas, November 14, 2024, sa ganap na 02:00PM.
Para sa huling NSED sa taong ito, hinihikayat ang lahat ng empleyado at mga bibisita sa Pasig City Hall, maging sa Temporary City Hall, na makiisa sa pag-”Duck, Cover, and Hold” at makilahok sa evacuation drill kung saan kinakailangang pumunta sa designated evacuation areas (Hal. Temporary City Hall: open spaces sa paligid ng pasilidad; Pasig City Hall: GAD Compound, City Hall Quadrangle).
Hinihikayat din ang mga empleyado na isuot ang mga hard hat at dalhin ang Emergency Go Bag na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang parte ng pakikiisa sa NSED. Mahalaga ito bilang pagsasanay na laging maging handa, sakaling tayo ay makaranas ng matinding sakuna tulad ng lindol.
Mangyari lamang na antabayanan ang traffic advisory na ipo-post dito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office kaugnay ng magaganap na drill bukas.
Maraming salamat po at inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kooperasyon ng bawat isa.