TINGNAN: FOUR-DAY CONSULTATION-WORKSHOP PARA SA PAG-REVIEW AT UPDATE NG SECTORAL DATABASE KAUGNAY NG PAG-UPDATE NG ECOLOGICAL PROFILE (EP) AT LOCAL DEVELOPMENT INVESTMENT PROGRAM (LDIP) NG LUNGSOD NG PASIG

September 12, 2023
















Nagtipon ang heads  at senior technical staff ng bawat departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang 4-day consultation-workshop na ginanap noong August 31 - September 3, 2023. Layunin ng nasabing workshop na i-review at i-update ang database ng bawat sektor (social development, infrastructure development, economic development, institutional development, at environmental management) ng lokal na pamahalaan na mahalaga para sa pag-update ng Pasig City EP at LDIP.

Hitik ang naging diskusyon sa unang araw ng consultation-workshop kung saan ipinaliwanag ang tungkulin ng bawat sektor sa comprehensive development planning ng lungsod. Dito rin ipinakita at ipinaliwanag sa participants ang status ng kasalukuyang EP kung saan makikita ang mga nilalaman nitong data na kinakailangang i-update. Kasunod nito, ang naging presentasyon tungkol sa paggamit ng data analytics/statistical information bilang batayan para sa masusing pagpaplano ng lokal na pamahalaan. Nagkaroon din ng presentasyon tungkol sa data na nakulekta mula sa pagsasagawa ng census kaugnay ng Community-Based Monitoring System (CBMS) noong 2021 at anu-anong mga datos ang maaaaring magamit kaugnay ng pag-update ng EP.

Sa unang araw din ng aktibidad ay hinati sa kani-kanilang sektor ang participants para sa break-up sessions upang isa-isahin ang importanteng data mula sa bawat opisina na may kaugnayan sa kanilang mandato at mahalagang maisama sa pag-update ng EP.

Sa ikalawa at ikatlong araw ng consultation-workshop, tuloy-tuloy pa rin ang break-up sessions ng bawat sektor kung saan tinalakay kung paano bubuuin at ia-update ang kanilang mga database. Matapos ang diskusyon ng bawat grupo, nagkaroon ng plenary presentations ang bawat sektor para makapagbigay naman ng komento ang ibang participants sa kanilang partial ouputs. Pinangunahan ng sectoral co-chairs ang nasabing reporting.

Bago matapos ang ikatlong araw, nagkaroon din ng dalawang presentations ukol sa mga sumusunod na paksa: Basics in Data Visualization Using Infographics Mini Workshop: Translate sectoral data/statistics into infographics; at Technical Writing on Statistical Report Mini Workshop: Technical Writing of Sectoral Data in the EP. Sa pamamagitan ng mga presentasyon na ito, nagabayan ang participants kung paano ipi-presenta nang maayos at maganda ang mga datos gamit ang charts at graphs, madaling ma-interpret ang mga ito at maisulat ang nilalaman at maikwento ang kahulugan ng bawat data. 

Matapos ang 4-day consultation-workshop ay tututukan pa rin ng bawat departamento/opisina ang paga-update ng kani-kanilang database na kinakailangan para sa nakatakdang pag-update naman ng EP at LDIP. Ang aktibidad na ito ay kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang maisulong ang data-driven decision at policy making. Sa pagsiguro na updated ang mga datos sa iba't-ibang sektor, makakapagsulong ng mas responsibo at angkop na mga programa, proyekto, at aktibidad na makakatugon sa mga pangangailangan ng PasigueƱo at Lungsod ng Pasig. Ang consultation-workshop na ito ay naging posible sa pangunguna at pangangasiwa ng City Planning and Development Office, katuwang ang resource persons mula sa University of the Philippines - Planning and Development Research Foundation, Inc. (PLANADES).