TINGNAN: FIRST-LEVEL PRIORITIZATION OF PROGRAMS, PROJECTS, AND ACTIVITIES IN THE PROPOSED 2024 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM WITH CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS

April 5, 2023



Pagkatapos ng 1st Semester City Development Council Meeting kahapon, April 4, 2023 ay isinagawa rin ang First-Level Prioritization with Civil Society Organizations on the Programs, Projects, and Activities in the Proposed 2024 Annual Investment Program sa Rizal High School Gymnasium.

Umabot sa halos 380 ang dumalo sa nasabing activity, kung saan nasa higit kalahati ng participants ay binubuo ng mga kinatawan ng civil society organizations (CSOs) na mga naitalagang miyembro ng iba't ibang local special bodies sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig. 

Layunin ng nasabing activity na mabigyan ng pagkakataon ang CSO representatives na makapagbigay ng inputs kung anong mga programa, proyekto, at aktibidad na nakapaloob sa panukalang AIP para sa susunod na taon (2024) ang makakatugon sa goals, objectives, targets, at strategies ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at dapat bigyang prayoridad sa kasalukuyang proseso ng pagbuo ng 2024 AIP.

Bukod pa rito, layunin din ng activity na bigyang kasanayan ang mga lumahok na CSOs sa proseso ng pagpa-plano, investment programming, at pagba-budget ng gobyerno; at ang mga kinatawan naman ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na makipag-engage sa CSO representatives sa proseso na ito. 

Upang makuha ang inputs ng CSO representatives, ginawa ang World Cafe, kung saan sila ay binigyang pagkakataon na makita at masuri ang mga panukalang programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) na nakapaloob sa 2024 AIP. Para masiguro naman na may sapat na background ang CSOs sa PPAs, ang sectoral co-chairs at members ng limang sectors (social development, economic development, environmetal development, infrastructure development, at institutional development) mula sa hanay ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay naka-estasyon kung saan nakapaskil ang kanilang PPAs, para kung sakaling may katanungan ang CSOs ay agad nilang masasagot ang mga ito. 

Two rounds ng world cafe ang ginawa, kung saan sa unang round, lumibot ang CSO representatives sa partikular na sector kung saan naka-sentro ang kanilang adbokasiya; samantala, para sa pangalawang round ng world cafe naman, sila ay binigyan ng pagkakataong makaikot naman at makapagtanong sa ibang pang Pasig LGU representatives mula sa ibang sektor.

Para matukoy ang kanilang priority PPAs, bawat CSO representative ay binigyan ng tatlong stickers para kanilang maidikt sa PPA na sa tingin nila ay dapat mabigyang prayoridad. Sa pagtatapos ng world cafe activity ay tinantos ang PPAs na may stickers at ipinresent ang naging resulta nito sa plenary session.

Bago tuluyang natapos ang activity ay nagpaabot ng kanyang mensahe si Sangguniang Panlungsod Committee on Non-Government Organization Chairperson Quin Cruz sa lahat ng dumalo. Ini-highlight niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng mekanismo para makalahok ang mamamayan sa paggogobyerno katulad ng activity na ito; at na ang mga PasigueƱo ay itinuturing ng pamahalaan bilang partners para sa pagtataguyod ng isang progresibo at maunlad na Lungsod ng Pasig, at hindi lamang mga benepisyaryo ng mga programa at proyekto nito. 

Ang nasabing activity ay patunay na binibigyang importansya ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig anng participatory governance o pakikilahok ng mga mamayan sa paggogobyerno, alinsunod sa pag-abot ng bisyon nito na maging "exemplar of participatory good governance." Isa lamang ito sa mga naka-line up na activity na layong mas paigtingin pa at mas mapalalim pa ang participatory governance sa lungsod.

Matatandaang ginanap ang marathon presentations ng 2024 AIP ng mga departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig noong March 14-17, 2023. Matapos ang presentations ay nagkaroon din ng internal cleansing ng proposed AIPs kung saan muling sinuri at sinala ng mga miyembro ng Local Finance Committee, mga may hawak ng statutory/mandatory obligation funds, at iba pang key offices ang panukalang PPAs. 

Kasunod ng First-Level prioritization ay magkakaroon naman ng Second-Level prioritization kasama ang department heads sa susunod na linggo, gamit ang resulta ng first-level prioritization bilang take off point ng nasabing activity.

Ang pagsasagawa ng twin activity kahapon (CDC meeting at prioritization) ay pinangunahan at pinangasiwaan ng City Planning and Development Office.

#UmaagosAngPagAsa