TINGNAN: FIRST CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING PARA SA TAONG 2024
February 6, 2024
Nagtipon ang halos 150 kinatawan mula sa mga barangay, civil society organizations, at mga tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa unang Pasig City Development Council (CDC) meeting ngayong taon na ginanap kahapon, February 5, 2024 sa Maybunga Rainforest Park.
Naging paksa sa unang CDC meeting ang panukalang First Supplemental Investment Program (SIP) FY 2024, kung saan nagkaroon ng presentasyon at diskusyon dito, sa pangunguna ni Mr. Ernie Al Edralin ng Office of the City Mayor, na sinundan naman ng pagbibigay ng updates at diskusyon tungkol sa ilang malalaking items sa ilalim ng nasabing SIP (i.e., overview ng Design and Build at updates tungkol sa Public-Private Partnership for the People Selection Committee para sa Pasig City Hall Campus) na pinangunahan naman ni Pasig City Administrator Jeronimo Manzanero).
Matapos ang naging mga presentasyon ay binigyang pagkakataon ang mga miyembro ng CDC, lalo ang mga representante mula sa mga barangay at civil society organizations para makapagtanong at makapagbigay din ng kanilang inputs o suhestiyon patungkol sa naging presentasyon ng proposed SIP No. 1. Nang mabigyang linaw at sagot ang mga katanungan at i-note ang mga naging suhestiyon ay dumako na sa pagbabasa ng CDC Resolution No. 2024-001 na pinamagatang "A Resolution Approving and Recommending the Adoption of the Supplemental Investment Program No. 1 of the City Government of Pasig for FY 2024."
Naaprubahan ang nasabing resolusyon ng mga miyembro ng CDC at dumako na ang programa sa pagbibigay ng mensahe mula kay Vice Mayor Dodot Jaworski. Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang pagbibigay prayoridad sa mga barangay, lalo ang pagsiguro na mapapasa ngayong taon ang kanilang panukalang budget para rin sa makapagsimula na ng implementasyon ng mga programa at proyekto sa mga barangay.
Ang pagsasagawa ng CDC ay pinangunahan ng City Planning and Development Office na nagsisilbing Secretariat nito.