TINGNAN: Financial Literacy Seminar with Mr. Chinkee Tan
May 23, 2024
Nagtipon ang nasa 400 kawani mula sa iba't ibang departamento at opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang Financial Literacy Seminar tampok si Mr. Chinkee Tan na ginanap kahapon, May 22, 2024, sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Auditorium.
Sa kanyang talakayan tungkol sa Financial Literacy, binigyang diin ni Mr. Chinkee Tan ang importansya ng pag-unawa sa mga basic financial principle gaya ng pagbabadyet, pag-iipon, at kung may kakayahan, pamumuhunan sa mga negosyo at ari-arian.
Sa tulong ng pagbabahagi ni Mr. Chinkee Tan sa kanyang kaalaman tungkol sa pananalapi, kabilang na rin ang tungkol sa pagnenegosyo, layong magabayan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa pagpaplanong pinansyal para sa kanilang kinabukasan, tulad ng paghahanda para sa kanilang pagreretiro at pagtugon sa pangangailangan personal at ng kanilang mga pamilya.
Si Mr. Chinkee Tan ay isang go-to Wealth Coach, motivational speaker, at best-selling author ng mga libro tungkol sa wealth at health management kaya naman siya ang naimbitahan bilang resource speaker para sa nasabing Financial Literacy Seminar. Naging posible ito sa pangunguna ng Human Resource Development Office upang masiguro na maisakatuparan ang inisyatibo na mabigyan at mapalawak ang kaalamang pinansyal ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.