TINGNAN: EMERGENCY PASIG CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL MEETING RE: HABAGAT (Enhanced Southwest Monsoon) INTENSIFIED BY TYPHOON CARINA

July 24, 2024



Nagtipon ang mga miyembro ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Council para sa isang Emergency Meeting para sa mabilisang situational briefing para magbigay ng updates ang Response Cluster ng Incident Management Team.
Ilan sa mga natalakay sa Emergency Meeting ang lagay ng:
(as of 04:00PM, July 24, 2024)
𝐂𝐥𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 o pagsiguro na mabilisang matatanggal ang fallen trees at debris mula sa mga daan. Ongoing ang pag-monitor at walang backlog sa pag-clear noong oras ng reporting.
𝐏𝐮𝐦𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬: 12 ang kasalukuyang umaandar, ang natitirang 16 na operational kaninang tanghali ay pinatay dahil mas mababa na ang tubig sa flood level na maipa-pump o tuluyan nang bumaba ang tubig baha.
𝐄𝐯𝐚𝐜𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬: 19 ang bukas na may 1,356 families na binubuo ng 5,249 individuals: https://bit.ly/4ddy7gZ
Bawat evacuation centers ay may naka-duty na nurses, doctors, health aides, midwives. Samantala, nag-iikot naman ang Nutrition Team at Sanitation Team sa mga evacuation centers para makapaghatid ng kanilang serbisyo.
𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐢𝐧𝐞𝐬: May sapat na supply ng DoxyCycline (para sa adults) at Amoxicillin (para sa mga bata at buntis) na ginagamit para sa Leptospirosis at iba pang gamot.
𝐅𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬: Patuloy pa rin ang pag-uupdate kung saan ang mga daan na hindi passable para sa light vehicles at pagpapatupad ng re-routing scheme: https://bit.ly/3Yhr5Ub
𝐃𝐞𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭: Full force ang deployment, di lamang ng mga representante mula sa Pamahalaang Lungsod, kundi maging BFP Pasig, PNP Pasig, DILG Pasig, NGO volunteers.
Manatiling naka-monitor sa Facebook Pages ng Pasig City DRRMO para sa lagay ng panahon at dito sa Public Information Office, at iba pang lehitimong Facebook Pages para sa updates tungkol sa #CarinaPH