TINGNAN: Distribution ng Incentives para sa Graduates na Nakapagkamit ng Latin Honors

December 6, 2024



TINGNAN: Distribution ng Incentives para sa Graduates na Nakapagkamit ng Latin Honors

Nagkaroon ng distribusyon ng incentives para sa college students na nagsipagtapos nang may latin honors noong Lunes, December 2, 2024 sa Rizal High School Gymnasium.

Sa kabuuan, may 628 honor graduates ang nakatanggap ng incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig: na binubuo ng 11 summa cum laude na may PHP 30,000.00 bawat isa; 130 magna cum laude na may PHP 25,000.00 bawat isa; at 487 naman ang cum laude na may PHP20,000.00 bawat isa.

Nagpaabot ng kani-kanilang mga mensahe ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na sina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, Ms. Shalani Soledad (bilang representante ni Congressman Roman Romulo), at mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig.

Bukod sa mga ito, highlight din ng maiksing programa ang testimonial speech ni Cherry Mae Medina, Summa Cum Laude, University of the Philippines - Diliman, 12 years na Pasig City Scholar.

Ang pagbibigay ng incentives ay pagkilala sa naging pagsisikap ng mga estudyante na makapagtapos ng kolehiyo, partikular ang mga natanggap ng latin honors. 

Ang pagproseso at distribusyon ng incentives para sa college graduates na may latin honors ay pinangangasiwaan ng Pasig City Education Department -  Scholarships and Awards Section na siya ring focal unit para sa Pasig City Scholarship Program. 

#UmaagosAngPagasa