TINGNAN: DISTRIBUTION NG FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA BOARD LICENSURE EXAMINEES

April 4, 2024



Nagkaroon ng distribusyon ng Financial Assistance para sa board licensure examinees kahapon, April 3, 2024 na ginanap sa Tanghalang Pasigueño.
Nasa 68 board takers ng nasa 11 licensure examinations ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nagkakahalaga ng PHP10,000.00 kada examinee. Ang nasabing halaga ay tulong sa examinees na makapaghanda para sa kanilang licensure exams. Dinaluhan nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, at Councilor Simon Tantoco ang nasabing distribusyon at nagbigay din ang mga ito ng mensahe para sa recipients ng financial assistance.
Bukod sa financial assistance, nagkaroon din ng pagbigay ng insentibo para sa limang Pasig City Scholars na nakapagtapos ng kolehiyo na nakatanggap ng latin honors – apat sa mga ito ang nagsipagtapos na cum laude at isa naman ay magna cum laude. Ang mga cum laude ay nakatanggap ng PHP20,000.00 kada isa, samantalang ang magna cum laude naman ay nakatanggap ng PHP 25,000.00. Bukod sa cash incentive ay binigyan din ang mga ito ng Certificates.
Ang pagproseso ng mga aplikasyon ng financial assistance para sa bar/board licensure examinees at pagbibigay ng insentibo para sa may latin honors ay pinangagasiwaan ng Pasig City Scholarship Office. Bukas ang pagbibigay ng financial assistance para sa board/bar takers hindi lamang para sa mga Pasig City Scholars, kundi para sa mga residente ng Lungsod ng Pasig na nakatakdang kumuha ng licensure exam. Samantala, ang insentibo naman para sa mga nagsisipagtapos ng may latin honors ay ekslusibo para sa Pasig City Scholars.