TINGNAN: DISTRIBUTION NG FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA BOARD EXAMINATION TAKERS
June 11, 2024
Nasa 62 board exam takers ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa isang distribution ceremony na ginanap noong Biyernes, June 7, 2024 sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig.
Binubuo ang 62 board exam takers ng Batch 1 para sa taong 2024 ng mga kukuha ng exam para sa aspiring architects, criminologists, electronics technicians, teachers, mechanical engineers, at medical technologists.
Layon ng financial assistance na ito na nagkakahalagang PHP10,000.00 na matulungan ang mga nakatakdang kumuha ng board/bar exam para makapaghanda sa mga ito (ma-cover ang mga gastos na kailangan para sa pagre-review o bayad sa fees na kailangan para makapag-exam). Patunay ito ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga kabataang Pasigueño, maging sa mga nakapagtapos na sa kolehiyo.
Ang financial assistance para sa board/bar examination takers ay pinangangasiwaan ng Pasig City Scholarship Office. Bukas ito para sa lahat ng naka-schedule na mag-take ng board/bar exam, Pasig City scholar man o hindi.