TINGNAN: Distribusyon ng Internet Connectivity Allowance sa 3 Public Elementary Schools sa Lungsod ng Pasig

September 22, 2024

Nagsimula na ang distribusyon ng one-time Internet Connectivity Allowance na nagkakahalagang PHP1,500.00 kada benepisyaryo noong Biyernes, September 20, 2024.
Mga estudyante at teaching personnel mula sa tatlong pampublikong elementary school sa Lungsod ng Pasig ang unang nakatanggap ng kanilang Internet Connectivity Allowance.
Layon ng pamamahagi ng allowance na ito ay para makatulong na makatugon sa pangangailangan ng mga estudyante at teaching personnel ng mga pampublikong K-12 schools sa Pasig na magkaroon ng access sa internet, lalo na kung kakailanganing magsagawa ng online classes.
Ang schedule ng magiging distribusyon ng Internet Connectivity Allowance ay HINDI iaanunsyo sa Pasig City Public Information Office Facebook Page. Kung may schedule na ng distribusyon ng allowance sa inyong paaralan/paaralan ng inyong mga anak, ito ay direktang ipaaalam ng administrador/guro sa mga estudyante/magulang.