TINGNAN: DISTRIBUSYON NG INCENTIVES PARA SA SCHOLARS NA NAKAPAGTAPOS NA MAY LATIN HONORS AT NG FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA BOARD/BAR EXAMINATION TAKERS

February 5, 2024



Nasa 245 na Pasig City Scholars na nagsipagtapos na nakapagkamit ng latin honors noong AY 2022-2023 ang kinilala sa isang awarding ceremony na ginanap noong Biyernes, February 2, 2024 sa Rizal High School Gymnasium.
Ito ang ikalawang batch ng scholars ng nasabing insentibo para sa nasabing school year. Sa 245 scholars, 5 ang nagtapos na summa cum laude (nakatanggap ng PHP30,000.00 kada isa); 87 magna cum laude (nakatanggap ng PHP25,000.00 kada isa); at 153 cum laude (nakatanggap ng PHP20,000.00 kada isa). Bukod sa cash incentives ay nakatanggap ng certificates ang 245 scholars.
Sinundan naman ang awarding ceremony na ito ng naging distribusyon ng financial assistance na nagkakahalagang PHP10,000.00 para sa mga kukuha ng board/bar examination. Nasa 105 board/bar examinees ang nakatanggap ng nasabing financial assistance na makakatulong para sa preparasyon ng mga ito para sa pagkuha ng kanilang licensure examinations.
Dinaluhan ni Mayor Vico Sotto at ilang konsehal ang nasabing aktibidad, kung saan ang bawat isa ay nagpaabot ng kanilang mga mensahe para sa mga scholars at board/bar examination takers.
Matatandaang noong December 15, 2023, nauna nang kinilala ang 411 scholars (15 summa cum laude, 92 magna cum laude, at 304 cum laude) na nagsipagtapos na may latin honors noong AY 2022-2023 (batch 1).