TINGNAN: Distribusyon ng Food Packs para sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Habagat-Bagyong Carina

August 1, 2024



Tinatayang nasa halos 4,500 food packs na ang naipamahagi simula noong Lunes, July 29, 2024, sa mga nakatira sa mga lugar na labis na nasalanta ng Habagat, na pinalakas pa ng Bagyong Carina noong isang linggo.
House-to-house ang distribution ng food packs, kung saan ang mga residente sa mga naitalang lugar na lubhang binaha, kabilang ang mga hindi na nakalikas sa evacuation centers, ang magsisilbing benepisyaryo ng mga ito.
Tuluy tuloy pa rin po ang distribusyon ng food packs at asahan na mas marami pang lugar ang maco-cover sa mga susunod na araw dahil na-ideliver na ang mga karagdagang relief goods na nai-procure. Ongoing din ang pagre-repack ng relief goods para kaagad nang maipamahagi ang mga ito sa mga nasalantang PasigueƱo.