TINGNAN: DISPOSAL NG VALUELESS RECORDS
April 23, 2024
Sa kaunaunahang pagkakataon ay idinaos ang isang disposal activity ng valueless records na ginanap noong Sabado, April 20, 2024 sa Office of General Services (OGS) Warehouse sa Barangay Maybunga.
Nasa 2,913 kilos ng valueless records ang nai-dispose ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa isang opisyal at accredited buyer ng National Archives of the Philippines (NAP). Umabot sa PHP11,040.27 ang kinita ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig mula sa nasabing sales ng valueless records.
Dinaluhan nina NAP Senior Records Management Analyst Ms. Ehxia Dondonilla, OGS - Records Management and Archives Division (RMAD) OIC Atty. John Vincent I. Cernal, OGS - RMAD Records Officer Joice Angela M. Jundarino, at mga kawani mula sa Records Management Office at representante mula sa Business Permit and Licensing Department, City Assessors Office, Internal Audit Service Unit, OGS-Administrative Division at, OGS-Records Management and Archives Division ang nasabing Disposal Activity.
Ang valueless records na ibinenta ay mula sa mga opisinang nabanggit simula noong 1986 hanggang 2022. Ang disposal ng nasabing valueless records ay dumaan sa proseso at aprubado ng Executive Director ng NAP, alinsunod sa itinakdang retention period ng mga ito at maging sa mga polisiya at regulasyon sa ilalim ng Republic Act 9470 o ang National Archives of the Philippines Act of 2007.