TINGNAN: Day 3 and Day 4 ng 2022 Annual Accomplishment Report
March 1, 2023
Tuloy pa rin ang marathon presentation ng 2022 Annual Accomplishment Reports ng mga opisina/departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Sumalang sa presentations ang Social Sector: Health at Institutional Sector: Governance and Administration (Part 1) noong Lunes, February 27, 2023, at ang Social: Education at Institutional Sector: Governance and Administration (Part 2) kahapon, February 28, 2023.
Ngayong araw nakatakdang mag-present ang natitirang mga opisina/departamento mula sa Institutional Sector: Fiscal, Regulatory, and Economic Services.
---
Parte ng presentasyon ng Annual Accomplishment Reports ang pagsusuri kung ang mga ipinlanong program, project, at activities (PPAs) ng bawat opisina ay na-implementa noong 2022, maging ang pondong nagamit para sa mga ito, at mga kadalasang sanhi ng pagkahuli ng implementasyon ng PPAs upang magamit bilang input kung paano pa patuloy na mas mapapabuti ang implementayon ng PPAs ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ipinipresenta ang mga 2022 accomplishment report sa mga miyembro ng Local Finance Committee, kasama si Mayor Vico Sotto at ilan pang opisina kung saan naka-lodge ang common-use supplies, capacity development, at information and communication technology hardware at software.
Ang activity na ito ay pinangunahan ng City Planning and Development Office na siyang nag-aanalisa ng mga datos mula sa mga submission ng mga opisina/departamento at nagco-consolidate ng Annual Accomplishment Report na ipapasa sa Commission on Audit.