TINGNAN: DAY 2 NG MARATHON PRESENTATION NG ANNUAL INVESTMENT PROGRAM PARA SA TAONG 2025

April 10, 2024



Mga opisina/departamento naman mula sa Institutional Sector ang nag-present ng kani-kanilang panukalang Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2025 noong Lunes, April 8, 2024 sa Executive Lounge.
Nasa 14 opisina/departamento ang sumabak sa marathon presentation ng AIP na naglalaman ng kanilang mga panukalang programa, proyekto, aktibidad, kasama ang katumbas na budget allocation ng mga ito para sa susunod na taon.
Katulad ng naunang marathon presentation, bago nagsimula ito ay nagbigay ng overview tungkol sa magiging takbo ng panuntunan at nagbigay ng guidelines at ilang paalala sa mga opisina tungkol sa pagbalangkas ng AIP si EnP Priscella Mejillano, City Planning and Development Coordinator ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Bawat opisina ay binigyan ng 10 minuto para sa presentation at pagkatapos nito ay nagtatanong at nagbibigay ng inputs ang mga miyembro ng Local Finance Committee (LFC) at Mainstreaming and Attribution Offices. Ang mga nasabing AIP ay ire-revise base sa inputs mula sa marathon presentation at ipapasa muli sa CPDO.
May dalawang araw pang nakalaan para sa presentasyon ng 2025 AIP ng mga natitirang opisina/departamento na nasa ilalim naman sa Social Sector, ang pinakamalaking sector sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig na binubuo ng iba't ibang sub-sectors (Housing; Education, Sports, and Recreation; Welfare; at Public Safety).
Ang aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Office na in-charge sa pag-analisa at consolidate ng mga AIP ng mga opisina.
-----
Ang LFC ay na binubuo ng mga kinatawan mula sa Office of the City Mayor, Office of the Administrator, Office of the City Treasurer, City Accounting Office, City Budget Office, at City Planning and Development Office.
Samantala, kabilang naman sa Mainstreaming at Attribution Offices ang Disaster Risk Reduction and Management Office, City Engineering Department, City Social Welfare and Development Office, Gender and Development Office, Management Information Systems Office, Office of General Services, at Human Resource Development Office na nangagasiwa sa Statutory and Mandatory Obligations (SMOs) ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at mga opisina na may hawak ng capacity and development; information, communication, and technology equipment and supplies; at common-use supplies.