TINGNAN: DAY 2 NG 2023 ANNUAL ACCOMPLISHMENT REPORT MARATHON PRESENTATION

February 21, 2024



Mga opisina/departamento naman sa ilalim ng Social Sector at iba't ibang subsectors nito (Public Order and Safety, Housing, Health, Social Services, at Education) ang nag-present ng kanilang 2023 Annual Accomplishment Report (AAR) sa ikalawang araw ng marathon presentation nito na ginanap ngayong Miyerkules, February 21, 2024.
Bukas, February 22, 2024, ang huling araw ng marathon presentation, kung saan ang mga opisina/departamento naman ng Institutional Sector (Governance and Administration at Fiscal, Regulatory, and Economic Services) ang magpi-present ng kanilang 2023 AARs.
---
Bawat departamento/opisina ay binigyan ng 10 -15 minuto para i-present sa mga miyembro ng Local Finance Committe at Mayor Vico Sotto ang kanilang naging major accomplishments noong nakaraang taon.
Bukod sa accomplishments, parte rin ng naging presentasyon ang status ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPA) at report tungkol sa naging paggamit sa pondo na inilaan kada opisina noong 2023. Kasama rin sa reporting ang mga dahilan o naging hadlang kung kaya't hindi natapos ang implementasyon o hindi natuloy ang anumang PPA.
May parte rin ang AAR presentation na forward looking dahil maging ang bilang ng PPAs at aprubadong pondo para sa personal servinces (PS), maintenance and other operating expenses (MOOE), at capital (CO) kada opisina/departamento para sa kasalukuyang taon (2024). Bawat opisina/departmento rin ay naglatag ng kanilang strategies kung paano masisiguro na maipapatupad ang mga aprubadong PPA at magagamit nang wasto ang aprubadong budget para sa taong 2024.
Kada matapos ang presentasyon ng bawat opisina ay nakakapagtanong o bigay ng suhestiyon sina Mayor Vico Sotto at mga miyembro ng Local Finance Committee (Office of the City Administrator, Office of the City Mayor, City Treasurers Office, City Budget Office, City Accounting Office) sa mga ito.
Ang pagsasagawa ng AAR presentations ay pinangagasiwaan ng City Planning and Development Office.