TINGNAN: Day 2 ng 2022 Annual Accomplishment Report Presentations

February 27, 2023



Mga opisina/departamento naman mula sa Economic at Social (Public Order and Safety, Housing, at Social Services subsectors) Sectors ang sumalang sa ikalawang araw ng presentation ng Annual Accomplishment Reports (AAR) noong Huwebes, February 23, 2023.


Ipagpapatuloy muli ang mga presentasyon ngayong araw, February 27, 2023 kung saan mga opisina/departamento pa rin mula sa Social Sector (Health subsector) naman ang sasalang.


----

Parte ng presentasyon ang pagsusuri kung ang mga ipinlanong program, project, at activities (PPAs) ng bawat opisina ay na-implementa noong 2022, maging ang pondong nagamit para sa mga ito, at mga kadalasang sanhi ng pagkahuli ng implementasyon ng PPAs upang magamit bilang input kung paano pa patuloy na mas mapapabuti ang implementayon ng PPAs ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.


Ipinresenta ang mga 2022 accomplishment report sa mga miyembro ng Local Finance Committee, kasama si Mayor Vico Sotto at ilan pang opisina kung saan naka-lodge ang common-use supplies, capacity development, at information and communication technology hardware at software. 


Ang activity na ito ay pinangunahan ng City Planning and Development Office na siyang nag-aanalisa ng mga datos mula sa mga submission ng mga opisina/departamento at nagco-consolidate ng Annual Accomplishment Report na ipapasa sa Commission on Audit.