TINGNAN: Day 1 ng Presentasyon ng 2022 Annual Accomplishment Report
February 22, 2023
Nagsimula na ngayong araw, February 22, 2023 ang marathon presentation ng mga annual accomplishment report kada department/opisina sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Para sa unang araw, naisalang ang mga departamento/opisina na nasa ilalim ng Infrastructure at Environment Clusters.
Parte ng presentasyon ng kada opisina kung ang mga ipinlanong program, project, at activities (PPAs) ng bawat opisina ay na-implementa noong nakaraang taon, maging ang pondong nagamit para sa mga ito, at mga kadalasang sanhi ng pagkahuli ng implementasyon ng PPAs upang magamit bilang input kung paano pa patuloy na mas mapapabuti ang implementayon ng PPAs ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ipinresenta ang mga 2022 accomplishment report sa mga miyembro ng Local Finance Committee, kasama si Mayor Vico Sotto at ilan pang opisina kung saan naka-lodge ang common-use supplies, capacity development, at information, and communication technology hardware at software.
Ang activity na ito ay pinangunahan ng City Planning and Development Office na siyang nag-aanalisa ng mga datos mula sa mga submission ng mga opisina/departamento at nagco-consolidate ng Annual Accomplishment Report na ipapasa sa Commission on Audit.