TINGNAN: Day 1 ng 3-day Sustainable Actions Para sa Patuloy na Pag-agos ng Pag-asa sa Pasig City through the Executive-Legislative Agenda (ELA) Capacity Development Program.

October 4, 2022

TINGNAN: Day 1 ng 3-day Sustainable Actions Para sa Patuloy na Pag-agos ng Pag-asa sa Pasig City through the Executive-Legislative Agenda (ELA) Capacity Development Program. 

Nagtipon ang mga opisyal, mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod, at department heads para sa isang 3-day workshop na naglalayong buuin ang Pasig City ELA 2023-2025 na nagsimula kahapon, October 3, 2022. 

Hitik sa diskusyon ang unang araw ng workshop kung saan pinag-usapan ang Devolution Transition Plan 2022-2024, Comprehensive Development Plan, at Updated Comprehensive Land and Water Use Plan ng Pasig.

Nagbigay din ng inputs ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government - National Capital Region (DILG-NCR): the Executive-Legislative Agenda as a Vehicle Towards Good Governance: Situating the ELA in the Comprehensive Development Planning Process; Guidance sa paggawa ng ELA ng Pasig City na idineliver ni DILG NCR Regional Director Maria Lourdes Augustin; at Current Situation ng Pasig patungkol sa mga resulta ng Local Legislative Awards, Seal of Good Local Governance, and other audits na pinresent naman ni DILG-Pasig Field Office Director Visitacion Martinez.

Highlight ng unang araw ng 3-day ELA Workshop ang ginawang presentation ni Mayor Vico Sotto ukol sa Executive Agenda o priority thrusts ng kanyang administrasyon at Vice Mayor Dodot Jaworski ukol sa Legislative Agenda ng 11th Pasig City Council.