TINGNAN: Day 1 ng 3-day planning workshop para sa Comprehensive Emergency Program for Children
November 16, 2022
TINGNAN: Day 1 ng 3-day planning workshop para sa Comprehensive Emergency Program for Children
Nagtipon ang mga piling kinatawan mula sa iba’t ibang departamento at opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang 3-day planning workshop ukol sa Comprehensive Emergency Program for Children na pinangunahan ng Office on Social Welfare and Development.
Sa tulong ng facilitator mula sa non-government organization na Save the Children, naging daan din ang workshop na ito upang mas maintindihan ng mga kawani o responders ang kahalagaan ng mga programang tumutugon sa pangangailangan at karapatan ng mga bata.