Tingnan: Concert at the Park
December 18, 2024
Nagpamalas ng kanilang angking galing sa larangan ng musika ang Pasig City Symphonic Band, tatlong chorale groups ng Pasig, at tatlong solo artists mula sa Center for Pop Music Philippines - Shaw Blvd. sa Concert at the Park noong Biyernes, December 13, 2024 sa Amphitheather ng Maybunga Rainforest Park.
Di lamang mga awiting pamasko ang naging tema ng naging taunang konsiyerto, kundi maging mga kanta mula sa iba't-ibang genre. Bukod sa dalawang sets tampok ang Pasig City Symphonic Band, nag-perform din sina Ma. Julianne Ubay, Yhun Romes, Lindsay Bolaños, artists mula sa Center for Pop Music Philippines - Shaw Blvd.
Bukod sa solo artists, nag-perform din ang Rizal Technological University Himig Rizalia, Coro Pasigueño, at Music and Praise Chorale.
Naging highlight ng concert ang pagbibigay pugay sa mga atletang Pasigueño na lumahok sa Batang Pinoy 2024 at Philippine National ParaGames 2024 mula sa Pasig City ParaSwim, Pasig Karate-do, at PasigSwim — sa pamamagitan ng dedikasyon ng kanta na "We Are the Champions". Ang ilan sa mga atletang dumalo sa nasabing concert ay ang mga madalas magdaos ng ensayo sa Maybunga Rainforest Park para sa preparations sa sporting events.
Bukod pa rito, pinangunahan naman ng Mabunga Rainforest Park Zumba Group ang pagsayaw sa venue sa saliw ng APT. na siya namang kinagiliwan din ng live audience sa MRP.
Present sa naging concert si Councilor Angelu de Leon na nagpaabot ng Christmas greetings sa mga dumalo rin sa event.
Gustong balikan ang ganap sa naging Concert at the Park? Panuorin ang concert sa link na ito: https://bit.ly/ConcertAtThePark2024